Statement of Susan Roces, widow of Fernando Poe Jr., on June 29, 2005 on the President's apology
Dininig ng langit ang aking mga dalangin kasama ng lahat ng mga sumusuporta kay FPJ. Ang langit ang humusga na may karapatan tayong malaman ang katotohanan. Para sa ating mga Pilipino, mahalaga ang karapatan nating piliin ang ibig nating mamuno sa atin. Sagrado ang ating mga boto sapagkat iyan ay karapatang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Pinagbuwisan nila ng buhay, ipinakipaglaban nila ang ating karapatan at nanindigan sila para makamit natin ang ating kalayaan. Tuwing araw lamang ng halalan na tunay na lahat tayo ay pantay-pantay, mayaman man o mahirap, tigitig-isa lang tayo ng boto kaya iyon ay sagrado.
Nakalulungkot at nakagagalit ang kasalukuyang pangyayari. Noon, ang sumusupil sa ating karapatan at nanlalamang sa atin ay ang mga dayuhan at sumakop sa ating bayan. Ngunit sa kasalukuyan, ang nanglalamang at kumikitil ng ating mga karapatan ay sarili nating kalahi at kadugo.
Nagpahayag si Mrs. Arroyo noong Lunes ng gabi, labis akong nalungkot sa aking nakita at narinig. Napaisip ako, nadagdagan ang mga katanungan sa aking diwa. 'Sorry' daw at kinausap niya ang isang COMELEC commissioner. Kasalukuyan pang nagbibilangan noon, alam niya iyon, alam niyang bawal iyon, alam ng lahat ng mga kandidato na bawal iyon, pero ginawa niya, nilabag niya ang batas at iyon ay inilihim niya at kung hindi pa lumabas ang tape, kailanman ay hindi natin malalaman.
Kay tagal din niyang nanahimik, ang tagal din niyang pinag-isipan, aaminin ba niya o hindi na boses niya ang boses ng babaeng nasa tape? Bakit? Bakit napakatagal niyang naghintay? Dahil may higit siyang mabigat na pagkakasala na ibig niyang ilihim at ibig pa tayong muling isahan at iyon ang pinag-uusapan nila at ayaw at bawal ito na ating marinig ang pandaraya.
Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw! Hindi ko matatanggap ang iyong sorry. Sinira mo ang pagtitiwala ng mga kababayan mo sa iyo. Wala kang karapatan na mamuno. Remember, Mrs. Arroyo, before foreigners, before foreign investors can trust you, you must first have the trust of your countrymen, which unfortunately you have lost. You have embarrassed the Filipinos enough. There is nothing we can find that we can be proud of, that you have done for us from day one to the present.
You are full of empty promises. Obviously, you have no love for your country. The gravest thing that you have done, is you have stolen the presidency, not once, but twice!
Thursday, September 22, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.jpg)
No comments:
Post a Comment