Statement of Susan Roces, widow of Fernando Poe Jr., on June 29, 2005 on the President's apology
Magandang tanghali sa inyong lahat.
Maraming salamat po sa pagdalo ninyo ngayong tanghali. Napakahalaga po para sa akin na kayo ay naririto.
April 14 noong huli tayong magtipon-tipon dito. Noon ay inilahad ko sa inyo ang lahat ng nasa aking damdamin sa pagkakabasura ng Presidential Electoral Tribunal sa kahilingan ko na sana ay maipagpatuloy ko ang protesta ni FPJ. Ang tanging layunin ko noon ay malaman ang tunay na nangyari at kung paano tinrato ang mga boto nating lahat. Hindi lang po para sa akin, hindi lang po para sa aking pamilya, kundi para sa ating lahat na lumahok at bomoto sa araw ng halalan upang piliin natin kung sino ang ibig nating mamuno sa atin.
Mayroon po tayong kanya-kanyang pinili, so ito po ay ginawa ko hindi lamang para sa bumoto kay FPJ kundi para din sa kani-kanilang mga ibinotong kandidato. Kaya lang hindi tayo pinagbigyan. Nalungkot po ako noon sapagkat kailan po natin malalaman ang katotohanan?
Lumipas po ang panahon. Nanahimik po ako katulad ng sabi ng mga nakakaalam sa batas. It was legal but not moral, life must go on. Sinikap ko na gawin ang pang-araw-araw na dapat kong gawin katulad ng isang mabuting mamamayan. Sinunod kong lahat ang mga batas, sinunod ko kahit labag sa loob ko, kahit nakikita ko na na, inspite of our state, our economic state, our financial crisis, personal and business crisis, pinilit tayo, whether we like it or not, na dagdagan ang ating VAT.
Ganunpaman, sabi ko kung lahat kayo ay nakakatiis bakit hindi siya bigyan ng pagkakataon. Ngunit ano ang isinukli niya? Arogante siya! Arogante! Hindi niya isinaalang-alang ang damdamin ng nakararami, manhid!
June 6, tulad ninyong lahat, nagulat na lamang ako, doon pa man din sa MalacaƱan, inilabas ang dalawang disc. Hindi ko hinanap iyon, hindi oposisyon ang nakahanap ‘nun kundi marahil ay naibigay sa akin noong kasalukuyang ipinaglalaban ko ang protesta ni FPJ.
Thursday, September 22, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.jpg)
No comments:
Post a Comment